Image Slider

Mar 31, 2017

Novuhair Salutes All Women

In celebration of International Women’s Month this March, Nutramedica Inc., encourages women to speak their mind and know their rights. Be it in society or otherwise, women have excelled over the years, creating a sense of socio-equality that every female across the globe shall be proud of.


This years’ theme is “Be bold for change”, a very subjective manner of approach to the present era where women are called to lead and influence. Novuhair calls for the same thrust.
Novuhair empowers the female population by improving their appearance thru self-help ideas on social media. Channeling their self-esteem and confidence to exude.

How to open BPI Easy Saver Account

Lahat tayo ay gustong mag ipon,Maaming paraan para magkapag ipon pero ang pinaka convenient at safe ay magkaroon ng isang bank account.Karamihan kaya hindi nakakapag bukas ng bank account ay dahil sa mayroon itong kinakailangang balanse o maintaining balance at malaki ang halaga para makapag bukas ng isang account.


Nito lang buwan ay nagbukas ako ng Easy Saver account na inooffer ng BPI,Ito ay walang maintaining balance,Napakadaling gamitin at maaring e-enroll sa online banking na napaka convenient sa pagchecheck ng savings.

Narito ang mga kailangan sa pagbukas ng Easy Saver Account

● 2 Government ID (Valid)
●Recent Bills Payment indicating your address this is to verify your address
●1 (1x1) picture

Para sa pag open ng account ang unang initial deposit ay Php200 at Php50 para sa card kaya ang babayaran na lamang ay Php250.
Makukuha ang card sa loob ng dalawang araw.

Bisitahin ang kanilang website para sa karadagdang impormasyon.

Paano kumuha ng PWD ID

'Nong nadiagnosed ang anak ko na mayroon siyang Autism Spectrum Disorder (ASD),Sobra akong nalungkot.Naalala ko pa ng araw na 'yon habang pauwi kami galing sa ospital ay panay ang pag iyak ko.Hindi ko inaasahan na ganon ang sasabihin sa amin ng doktor.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko hanggang sa ngayon.
Nang araw na 'yon binigyan ng mga rekomendasyon at mga laboratory tests na gagawin bukod sa kailangan niya ng mga theraphy ang unang pinagawa ay ang tinatawag na EEG,Sa ospital ding iyon namin pinagawa,Dahil sa walang PWD wala kaming discount sa lahat ng mga binayaran namin,Na kun tutuusin ay may 20% discount na nakalagay don sa mga laboratory tests na gagawin.
Pagkatapos ng isang linggo,Nagkaroon ako ng pagkakataon na kumuha ng PWD ID.Paano at ang mga kailangan para kumuha ng PWD ID,Ay pakibasa na lamang po ang mga susunod na pangungusap.


Kinakailangan sa pagkuha ng PWD ID ay ang mga sumusunod:

●Medical Certificate/Abstract
●Brgy.Clearance 
●(2 pcs.)2x2 ID Picture
●Signature/Thumbmark

Nong kumuha ako para sa aking anak ay isinama ko siya pero maaari ding hindi na kasama ang kukuha kailangan lang kompleto ang mga kailangang requirements,Dahil hindi pa marunong pumirma ang anak ko ay pina thumbmark na lang siya.


Narito ang form na kailangang i-fill up,Nakuha ko ito sa pagkuha ko ng brgy.clearance,Ngunit
Nagbibigay mismo sa city hall kung saang city kayo kukuha.Sa Type of disability ay sila na ang naglalagay hindi ko rin alam bakit sa Learning disability ang ASD,Iyon ang nilagay ng staff.

Mabilis lang ang proseso,Kapag kompleto na ang lahat ng kinakailangan ay ipasa na at antaying tawagin,Agad makukuha ang PWD ID sa araw din ng pag kuha nito,Kasama nito ay ang Purchase Slip Booklet.


Libre ang pagkuha nito,Sa Quezon City Hall nasa kanan pagpasok magtanong na lang sa imformation desk kapag kinakailangan.